Wikang Korean, ituturo na rin sa ilang pampublikong paaralan
Ituturo na rin sa ilang high school students sa mga pampublikong paaralan ang wikang Korean matapos lagdaan ng Department of Education (DepEd) at Korean embassy sa Maynila ang isang memorandum of understanding.
Ang nasabing programa ay kabilang sa elective offering sa 10 piling matataas na paaralan sa National Capital Region.
"The DepEd will introduce Korean language as a second foreign language and elective through a pilot program which will be conducted starting this year in select 10 high schools in Metro Manila," pahayag ng DepEd.
Ayon kay Korean Ambassador to the Philippines Kim Jae Shin, ang pag-aaral ng wikang Korean ay maaaring magbukas ng oportunidad na makapagtrabaho sa loob at labas ng bansa. Maaari ring makatulong ito sa ilang estudyanteng Pinoy na nais makatanggap ng education grants sa Korea.
"Language is very important so teaching and studying [foreign languages] in schools is very helpful to deepen the bilateral understanding between two nations," ayon kay Kim.
Upang mapaghandaan ang programa, makikipagtulungan ang DepEd sa Korean Cultural Center sa pagsasanay ng mga guro.
Bukod sa Korean, itinuturo rin ang Spanish, Nihongo, French, German at Mandarin, sa ilalim ng Special Program in Foreign Language ng DepEd. - ABSCBN
FYI: 7 Beets Benefits For Your Health, From Losing Weight To Better Sex
0 comments: